PAALALA: Para sa mga naka-schedule for Second Dose Vaccination ng FDCP

Isa ka ba sa mga nabakunahan sa #GoodJAB vaccination program ng Film Development Council of the Philippines at ng #VaccineNationIsTheSolution ng City of Manila?

Ito ang iyong mga dapat tandaan bago pumunta sa iyong second dose schedule:

 

1. Hindi dapat nagkaroon ng sintomas (lagnat, ubo, sipon, atbp.) dalawang linggo bago ang iyong second dose schedule.

2. Hindi nagpositibo sa COVID-19 14 DAYS bago ang iyong schedule ng second dose. Kung sakali mang nagpositive, kailangan ng certification na ikaw ay recovered na o magpakita ng negative swab test result.

3. Dalhin ang iyong QR Code o Vaccination ID. Para makuha ang vaccination ID, i-click ang link na ito.

 

Narito naman ang second dose schedules ng FDCPxManila vaccination program na gaganapin sa Adamson University, San Marcelino St., Ermita, Manila.

 

First Dose                       Second Dose

August 2                            September 29 

August 9                            October 4

August 23                          October 18

 

Para sa ibang updates mula sa FDCP National Registry, maaari n'yong bisitahin ang aming official Facebook page: https://www.facebook.com/FDCPNationalRegistry/

Maaari rin kayong magsend sa aming email: [email protected]

#GoodJab #VaccineNationIsTheSolution #TeamFDCP