MAYNILA, PILIPINAS, ENERO 7, 2022 — Upang mas mapatibay ang pakikilahok ng mga manggagawang pampelikula o film workers, at malinang at mapahusay ang kasanayan nila sa sa local film at audiovisual industry, ang National Registry (NR) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay magdaraos ng mga serye ng libreng acting workshop para sa mga background actor, talent, professional actor, director, at writer na rehistrado sa National Registry.