FDCP at Lungsod ng Maynila, Sinimulan ang Pagbabakuna ng 3,500 na Film & AV Workers
MAYNILA, PILIPINAS, AGOSTO 4, 2021 — Aabot sa 3,500 na film at audiovisual (AV) workers ang mababakunahan sa ilalim ng #GoodJAB Vaccination Program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na may pakikipagtulungan sa Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng “Vaccine Nation is the Solution” Program nito.
Noong Agosto 2, higit sa 1,500 na miyembro ng film at AV industry ang nakatanggap ng COVID-19 vaccination sa Palacio de Maynila. Ang kanilang second dose schedule ay sa Setyembre 27, at ang venue ay to be announced.
Ang natitirang halos 2,000 na film at AV workers ay mababakunahan naman sa Agosto 9 sa Adamson University. Iaanunsyo ang kanilang second dose schedule at venue sa sandaling maging finalized ang mga detalye.
Naging posible ang pakikipagtulungan ng FDCP National Registry (NR) at City of Manila Health Department para sa pagbabakuna ng film at AV workers dahil sa pag-apruba ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Ang #GoodJAB ng FDCP at “Vaccine Nation is the Solution” ng Maynila ay suportado ng Sound Check at National Live Events Coalition Philippines.
“The FDCP and Manila LGU VaccineNation Day has been a success, many thanks to Mayor Isko Moreno and the City of Manila’s vaccination team as well as the FDCP National Registry team and FDCP employees who volunteered to assist our film and AV workers. It is our goal to make sure that we deliver the best service possible in providing support to address the immediate needs of our industry,” sinabi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.
“Sa gitna ng pandemya, kaisa ang Film Development Council of the Philippines sa pagbibigay ng tulong sa mga manggagawa — mula ayuda hanggang bakuna — mapa-pelikula, telebisyon, media, teatro, advertising, live events, animation, o music industry man, para sa ikalalakas ng ating iisang industriya ng creatives,” idinagdag ni Diño.
Si FDCP Chairperson at CEO Liza Diño kasama ang mga kinatawan ng "Vaccine Nation is the Solution" Program ng Lungsod ng Maynila
Mayroong higit sa 5,000 na registrants ang FDCP National Registry. Maliban sa 3,500 na manggagawa na babakunahan ng Lungsod ng Maynila, 1,500 na manggagawa ang nabakunahan na ng #QCProtekTODO Program ng Quezon City sa pamamagitan ng “Bakuna Nights para sa Film at Entertainment Workers” na may pakikipagtulungan sa FDCP.
Samantala, nabakunahan na ng Lungsod ng Maynila ang lahat ng empleyado ng FDCP upang masiguro ang kanilang kalusugan at kaligtasan sa kanilang patuloy na pagbibigay serbisyo publiko sa film at AV industry stakeholders sa gitna ng pandemya.
Mabilis at organisadong proseso
Ang proseso ng pagbabakuna sa Palacio de Maynila, na pinangunahan ng FDCP, ay tumagal ng hindi lalampas sa isang oras sa bawat indibidwal. May 45 na staff mula sa #TeamFDCP at 35 na miyembro mula sa City of Manila Vaccination team ang nagsanib pwersa upang maging ligtas at maayos ang sistema para sa mga manggagawa. Binigyan ang film at AV workers ng mga burger at bottled water, at may photo booths para mag-pose ang film at AV workers bilang #GoodJAB ambassadors upang mahikayat nila ang iba na magpabakuna na rin.
Ang filmmaker at journalist na si Leilani Chavez ay isa sa 1,500 film at AV workers na nabakunahan sa Agosto 2 event na sinabi niyang “well-managed.” “Getting vaccinated is important, especially for informal workers in the industry. Because of the nature of our work, we mingle with different groups of people in a week so there’s a higher risk of us being exposed to the virus. We could also be inadvertently spreading it that’s why we need to be proactive in curbing COVID-19 especially the Delta variant,” sinabi ni Chavez sa FDCP.
Sa Facebook, nag-post si production manager Carlito Marquina Alvarez “mabilis, maayos, at organisado” ang event habang ang creative director, colorist, at photographer na si Marco Constantino ay sinabing ang kaniyang pagpapabakuna ay hindi pa umabot ng 10 minuto. Sinabi rin niyang nabakunahan pa ang kalahati ng kaniyang team.
Mahigit sa 1,500 film at AV workers, kasama ang filmmaker at journalist na si Leilani Chavez, ang nabakunahan ng #GoodJAB Vaccination Program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na may pakikipagtulungan sa Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng “Vaccine Nation is the Solution” Program nito.
Samantala, ang NR registrants na gustong mag-register sa kanilang local government units para sa pagbabakauna ay maaaring ipakita bilang proof of occupation ang kanilang FDCP National Registry Certification na maaaring ma-download mula sa kanilang MyFDCPRegistry Profile sa NR website (nationalregistry.fdcp.ph). Maari itong gamitin ng freelance workers na walang company ID para mapatunayang kasama sila sa A4 Priority Group.
Nais ng FDCP, na nag-lobby para sa pagbabakuna ng film at AV workers simula 2020, na matulungan ang NR registrants sa kanilang pagpapababakuna. Ang film at AV workers at freelancers na gustong mag-register sa FDCP NR ay maaaring bumisita sa NR website para sagutan ang registration form.
Para sa updates sa #GoodJAB x “Vaccine Nation is the Solution” schedules at venues, bumisita sa Facebook page ng FDCP (https://www.facebook.com/FDCP.ph) at NR (https://www.facebook.com/FDCPNationalRegistry).
Para sa mga katanungan, mag-email sa [email protected] o bumisita sa https://nationalregistry.fdcp.ph.