FDCP, Kumpletong Nabakunahan ang mahigit 5,000 Film at Entertainment Workers sa #GoodJab Vax Program nito

MAYNILA, PILIPINAS, OKTUBRE 26, 2021 — Nasa kabuuang bilang na 5,102 na mga film at audiovisual workers na ang nakakumpleto ng kanilang bakuna sa ilalim ng #GoobJab Vaccination Program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pakikipagtulungan ng Quezon City (QC) at Manila City Government. 

May 3,500 workers ang napabilang sa pangatlo at huling batch ng mga nakakumpleto ng kanilang vaccine dose sa ilalim ng programang Vaccine Nation is the Solution Program ng lungsod ng Maynila. Natanggap nila ang kanilang second dose sa Adamson University noong Oktubre 18. Nagsimula ang pagbibigay ng ikalawang dose ng vaccination program noong Setyembre 29 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month noong nakaraang buwan. 

Sa pakikipagtulungan sa City of Manila Health Department, kasama si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, matagumpay na napabakunahan ng FDCP National Registry (NR) ang 3,500 film at AV workers. Ang mga proyektong #GoodJab ng FDCP at “Vaccination is the Solution” ng Maynila ay naganap sa tulong na rin ng SIP Purified Water. 

 

3,500 film at AV workers ang nabakunahan ng #GoodJAB Vaccination Program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na may pakikipagtulungan sa Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng “Vaccine Nation is the Solution” Program nito.
3,500 film at AV workers ang nabakunahan ng #GoodJAB Vaccination Program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na may pakikipagtulungan sa Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng “Vaccine Nation is the Solution” Program nito.​​​​

 

Hunyo nang nakaraang taon naman ay binakunahan ang 1,500 na FDCP-registered film workers sa “Bakuna Nights para sa Film at Entertainment Workers” ng FDCP at QC Government sa pamamagitan ng #QCProtekTODO Program sa Quezon City Hall Vaccination Site.

 

“With the recent developments, including our fully vaccinated film workers, things are looking up for the local film industry. This will not be possible without the help of our stakeholders who believe in the importance of our film workers’ safety especially in these trying times. Many thnks to Mayor Isko Moreno, Mayor Joy Belmonte, and their vaccination teams, as well as FDCP’s National Registry team and FDCP employees who volunteered and provided full assistance,” sabi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño. 

 

 

Pawang mga FDCP NR registrants ang nabanggit na 5,102 na binakunahang workers. Ang naturang ahensiya ang siyang nagtala at nagsumite ng listahan ng mga National Registry for Audiovisual Workers (NRAW) registrants at kanilang impormasyon kasama ng mga kinakailangang dokumento sa mga kaugnay na sangay ng Lungsod ng Maynila at Lungsod ng Quezon. 

Para sa mga katanungan, mag-email sa [email protected] o bisitahin ang nationalregistry.fdcp.ph.