KAILANGAN MO BA NG CERTIFICATE OF REGISTRATION MULA SA FDCP NATIONAL REGISTRY?
ISA KA BANG FREELANCER AT WALANG COMPANY ID O CERTIFICATE OF EMPLOYMENT?
Ngayong kasama na ang freelance workers sa A4 priority group na maaaring mabakunahan, kailangan mo ang mga dokumentong ito bilang patunay na ikaw ay isang active worker sa industriya para makapag-apply sa vaccination program ng iyong Local Government Unit (LGU).
Sa tulong ng FDCP National Registry, pwede mong magamit ang National Registry Certification bilang proof of eligibility na magpapatunay na ikaw ay isang active worker. Maaari mo nang i-download ang iyong National Registry Certification mula mismo sa aming website.
Para mag-register sa National Registry, bumisita sa: https://nationalregistry.fdcp.ph/
Narito ang step-by-step process na dapat mong gawin para makakuha ng National Registry Certificate:
STEP 1: Pumunta sa nationalregistry.fdcp.ph at mag-log in gamit ang National Registry number o email address na ginamit sa registration.
Kung nakalimutan ang password, i-click ang forgot password at i-enter ang email na iyong ginamit sa pag-sign up. Sundin ang steps sa pag-reset ng password gamit ang password reset link na matatanggap sa email.
STEP 2: Kapag nakapag-log in na, i-click ang “MyFDCPRegistry PROFILE” at i-click ang “BUILD YOUR PROFILE”
STEP 3: I-click ang “CREDENTIALS” at mag-upload ng presentableng profile picture. Tandaan: Ito ang picture na lalabas sa iyong certificate.
Maaari mo ring i-update ang ibang impormasyon sa iyong MyFDCPRegistry profile. I-click ang “SAVE” pagkatapos mag-upload ng picture at mag-update ng profile.
STEP 4: Muling pindutin ang “PROFILE” at itapat ang cursor sa “NR CERTIFICATE.” I-click ang “GENERATE CERTIFICATE”
STEP 5: I-click ang “DOWNLOAD AS PDF” para ma-download ang iyong certificate.
Maaring i-scan ang QR code at lalabas ang digital copy ng inyong certificate na nakalagay ay verified (puwede itong magamit kapag kailangan ipa-verify ang legitimacy ng iyong certificate).
Puwede mo na itong gamitin bilang proof of eligibility na nagpapatunay na ikaw ay active audiovisual or press worker. Magagamit mo ang dokumentong ito sa pag-a-apply sa vaccination program ng kinabibilangan mong LGU.
Para sa ibang Facebook post, bisitahin ang link na ito: http://bit.ly/NationalRegistryCertification
katanungan, magsend lamang ng email sa [email protected]