PAALALA: Para sa mga naka-schedule for Second Dose Vaccination ng FDCP
Isa ka ba sa mga nabakunahan sa #GoodJAB vaccination program ng Film Development Council of the Philippines at ng #VaccineNationIsTheSolution ng City of Manila?
Ito ang iyong mga dapat tandaan bago pumunta sa iyong second dose schedule:
1. Hindi dapat nagkaroon ng sintomas (lagnat, ubo, sipon, atbp.) dalawang linggo bago ang iyong second dose schedule.
2. Hindi nagpositibo sa COVID-19 14 DAYS bago ang iyong schedule ng second dose. Kung sakali mang nagpositive, kailangan ng certification na ikaw ay recovered na o magpakita ng negative swab test result.
3. Dalhin ang iyong QR Code o Vaccination ID. Para makuha ang vaccination ID, i-click ang link na ito.
Narito naman ang second dose schedules ng FDCPxManila vaccination program na gaganapin sa Adamson University, San Marcelino St., Ermita, Manila.
First Dose Second Dose
August 2 September 29
August 9 October 4
August 23 October 18
Para sa ibang updates mula sa FDCP National Registry, maaari n'yong bisitahin ang aming official Facebook page: https://www.facebook.com/FDCPNationalRegistry/
Maaari rin kayong magsend sa aming email: [email protected]
#GoodJab #VaccineNationIsTheSolution #TeamFDCP