PAANO KUMUHA NG VACCINATION ID SA MANILA COVID-19 VACCINE WEBSITE?
Isa ka ba sa mga nabakunahan sa #GoodJAB vaccination program ng Film Development Council of the Philippines at ng #VaccineNationIsTheSolution ng City of Manila?
Narito ang step-by-step process kung paano mo makukuha ang iyong vaccination ID mula sa Manila COVID-19 website:
STEP 1: PUMUNTA SA MANILA COVID-19 WEBSITE AT I-CLICK ANG SEARCH MY RECORD (LOGIN) BUTTON.
STEP 1: ILAGAY ANG IYONG MOBILE NUMBER AT FIRST NAME. I-CLICK ANG VALIDATE.
STEP 3: ILAGAY ANG IYONG ONE-TIME PASSWORD (OTP) NA MATATANGGAP SA IYONG MOBILE NUMBER. PINDUTIN ANG LOGIN.
STEP 4: PWEDE MO NANG I-DOWNLOAD ANG IYONG VACCINATION ID. PWEDE MO ITONG I-PRINT O I-SAVE SA IYONG MOBILE DEVICE.
STEP 5: PWEDE MO RING MA-DOWNLOAD ANG IYONG VACCINATION CERTIFICATE MULA SA WEBSITE. I-CLICK ANG CLICK TO OPEN MENU AT PINDUTIN ANG MY CERTIFICATE.
STEP 6: KAILANGAN MONG MAG-UPLOAD NG IYONG PICTURE SA WEBSITE. PINDUTIN ANG CLICK TO OPEN MENU PAGKATAPOS AY I-CLICK ANG MY PHOTO PARA MAKAPAG-UPLOAD NG ID PHOTO.
Para sa mga katanungan tungkol sa Vaccination ID tulad nang hindi pagreflect ng iyong vaccination status, o 'di kaya naman ay inactive na ang iyong sim card (nawala, nasira, etc), maaari lamang magsend ng email sa [email protected].
Para naman sa pag-update ng information sa inyong vaccination card, magsend ng email sa [email protected].
Siguraduhing nakalagay ang inyong buong pangalan at concern sa inyong mensahe.
Para sa ibang updates mula sa FDCP National Registry, maaari n'yong bisitahin ang aming official Facebook page: https://www.facebook.com/FDCPNationalRegistry/
Maaari rin kayong magsend sa aming email: [email protected]